Sheila Guo at Cassandra Li Ong – mahaharap na sa patung-patong na ‘bailable’ na kaso

Sumailalim na sa inquest proceedings sa National Bureau of Investigation (NBI) sina Cassandra Li Ong at Shiela Guo.

Sa pulong balitaan, sinabi ni DOJ Spokesperson Asec Mico Clavano, kasong obstruction of justice, harboring a fugitive ang isasampa laban kay Ong habang violation of Philippine passport act ang isasampa kay Guo.

Matatandaang isinailalim na kagabi sa inquest proceedings sa Bureau of Immigration si Sheila Guo dahil sa paglabag sa immigration laws pero itinurn over ito sa NBI dahil sa dahil sa Philippine Laws violation.

Paliwanag naman ni NBI Director Jaime Santiago, hindi agad naisailalim sa inquest ang dalawa dahil sa hindi pa tapos ang mga papel na kanilang ipiprisinta sa prosecutor.

BAILABLE CASE

Kinumpirma ni NBI Director Jaime Santiago na bailable ang mga kasong isasampa laban kay Cassandra Li Ong at Sheila Guo.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ayon sa Direktor, gaya ng obstruction of justice na isinampa laban kay Ong ay prison correctional lamang ang penalty.

Paliwanag naman ni Santiago, pwede silang mag-bail pero hindi pa rin papakawalan dahil nakahold si Guo at Ong dahil sa warrant na inisyu ng Senado at Kamara.

Aniya, hindi ordinaryong korte ang nag isyu ng warrant kaya hindi sila pwedeng magbail kahit weekend o holiday.

Senado at Korte raw ang nag isyu kaya hindi alam kung paano nagbabail si Ong at si Guo.

Pero tiniyak naman ni Santiago na kahit makapag bail ang dalawa ay hindi pa rin sila papakawalan ng NBI.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

BI, August 15 pa raw alam na nakalabas na ng bansa si Alice Guo

Kinumpirma ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na noong August 15 pa raw nila alam na nakalabas na ng Pilipinas si dating Bambam Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Tansingco, natanggap niya ng impormasyon noong siya ay nasa Vietnam para sa annual conference ng mga immigration authorities ng ASEAN.

Aniya, nang matanggap niya ang impormasyon ay gumawa na agad siya ng inisyal na beripikasyon sa mga counterparts ng bansa.

Paliwanag pa niya, hindi agad sila naglabas ng pahayag tungkol sa isyu dahil gusto muna nilang ivalidate ang impormasyong natanggap.

Nang mavilidate na raw nila ang impormasyon ay nagsend agad sila ng pormal na request sa inmigration counterparts na tulungan sila para madakip ang mga ito.