Inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na target nyang amyendahan ang Executive Order number 138 s. of 2021 hinggil sa full devolution initiative na mayrong malinaw na parameters hinggil sa mga tungkulin, serbisyo, at pasilidad na isasalin sa mga lokal na pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, matagal na nila itong pinag aaralan at sa ngayon ay natagpuan na nila ang tamang formula para madetermina kung ano ang trabaho ng National government na maaari nang ipaubaya sa mga local government.
Sa ganitong paraan anya ay mas maaayos ang paglalaan ng pondo alinsunod sa Mandanas ruling.
Dagdag ng Presidente, sa oras na malinaw nang matukoy ang mga parameter ng devolution, magkakaroon ang mga LGU ng mas malaking kakayahan upang ipatupad at isakatuparan ang kanilang mga Sustainable Development Goals.