Tinanggap na ni Vice President Kamala Harris ang Democratic presidential nomination.
Kasabay nito, sakaling matatalo umano ni Harris ang republican bet na si Donald Trump sa blockbuster election sa Nobyembre, tinitiyak niya ang “new way forward.”
Sa kanyang mensahe, sinabi nitong siya ay magiging isang presidente na nagsusulong ng pagkakaisa.
Mababatid na inaakusahan ng bise presidente si Trump na hinihila nito paurong o pababa ang Amerika habang iniintindi ang foreign “tyrants” gaya ni Russian President Vladimir Putin.