Shabu at Marijuana, nasamsam sa isang drug suspect sa Coron, Palawan

Kulong na ngayon ang isang Edwin Almerida Reyes, a.k.a “Kalbo”, 40 anyos ng Brgy. Tagumpay, Coron, Palawan.

Ito ay matapos syang mahuli bandang alas-nwebe kagabi, July 17 sa joint drug buybust operation ng PNP law enforcement units sa Brgy. Tagumpay, Coron.

Sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, inaresto si Reyes ng mga tauhan ng from RDEU/RCSG Palawan, PIU-Palawan PPO, 2nd PPMFC, RID-CIT Palawan, RIU4B-PIT Palawan at 2nd SOU-MG Coron MSBC matapos ang Anti-Illegal Drugs Operation.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Nakuha umano sa suspek ang 3 pc heat sealed transparent plastic sachet na may laman na hinihinalang shabu kasama ang binili ng police asset. Nakakuha rin sa suspek ng isang glass pipe na may pinatuyong dahoon ng marijuana at iba pang non- drug evidence.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Tinatayang aabot sa Php3,000.00 ang halaga ng 0.8 grams na nakumpiskang shabu sa akusado habang halagang Php500.00 ang tinatayang presyo ng nakuhang marijuana sa kanya, ayon sa PNP.