Pinuna ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz ang tila pagiging feeling sikat na umano ng beauty queen at comedian-actress na si Herlene Budol.
Sa kanyang bagong vlog ay diritsahang sinabi ni Ogie na napapansin niya ang paglaki ng ulo ni Budol.
Ginawa ni Ogie ang pahayag bilang reaksyon sa trending na reaksyon ng mukha ni Herlene matapos itong koronahan bilang Miss Tourism World Philippines 2023 sa ginanap na Miss Grand Philippines coronation night.
“Nag-eexpect siya (Herlene) hindi ng Tourism kundi siya yong grand winner. Yan ang basa ko sa mukha ha?” pahayag ni Ogie.
Tila disappointed umano si Herlene dahil hindi nito nakuha ang korona ng Miss Grand.
“Nakalimutan yatang i-acknowledge ni Herlene Budol iyong kanyang mga kakulangan..yong mga kakapusan niya during that night..” dagdag pa ni Ogie.
“Ginawaran ka na ng Miss Tourism tapos parang nakabusangot ka pa..di mo pa mai-spell kung ngingiti ka pa.” saad pa ng talent manager.
Ayon kay Ogie, lahat umano ng ganitong aksyon ni Herlene ay senyales ng paglaki ng kanyang ulo.
“Kasi nakikita ko talaga feeling niya (Herlene) sikat na siya. Feeling niya sikat siya.”
“Parang nasi-sense ko yong paglaki ng ulo ni Herlene Budol. Sorry to say ha?” diritsahang pahayag ni Diaz.
Nababalitaan din umano ng talent manager ang pagiging unprofessional ni Budol.
May mga sumbong din sa kanya na nali-late umano ito sa rehearsals ng pageant noon at pati na rin sa taping ng show sa GMA na kasama siya.
Sa huli ay umaasa si Ogie na sana ay hindi totoo ang mga sumbong sa kanya ng pagiging unprofessional ni Budol.
“Sana lang noh, mabago yong tanaw ko..yong tingin ko kay Herlene. Sana hindi ito totoo.” ani Diaz.
Umaasa naman si Ogie na masasagot ni Herlene ang naturang mga isyu.