LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Philippine Coconut Authority (PCA) Albay na least priority ng kanilang tanggapan ang mga tanim na niyog na nasa loob ng 6 kilometers permanent danger zone (PDZ) ng Bulkang Mayon.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PCA Albay 1st Division Chief Alvin Trespeces, inihayag niya na nasa preparatory stage lamang sila at hindi sila kabilang sa pagbibigay o distribusyon ng mga relief.
Aniya, bukas ang kanilang tanggapan sa pagbibigay ng mga pamalit lalo na kung magkaroon ng pinsala, subalit pagdating sa prioritization of replanting expansion ng mga niyog, least priority nila ang mga tanim na nasa permanent danger zone areas.
Nasa danger zone kasi ang mga tanim at dapat nga sana ay walang itatalagang mga aktibidad pantao o walang maninirahan sa mga lugar na iyon kaya inililikas ang mga residente.
Subalit, aminado naman si Trespeces na maganda ang kalidad ng lupang pansaka sa danger zone areas at ang niyog ay maituturing na permanent crop – nangangahulugan na hindi na basta-bastang nakakaalis ang mga residente sa oras na magkaroon na ng bunga ang mga tanim dahil baka masayang lamang ang produksyon.
Samantala, maaari naman umano ito ayon kay Trespeces ngunit hindi sa mga delikadong panahon.