SFA Manalo at US State Secretary Blinken, nagkaroon ng ‘phone call’

Nagka-usap sa pamamagitan ng isang phone call sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at US Secretary of State Antony Blinken.

Isinagawa ang pag-uusap isang araw bago magtungo si Pangulong Bongbong Marcos sa Amerika para sa kanyang US Trip at pagdalo sa United Nations General Assembly o UNGA.

Read More:  DFA warns of possible diplomatic actions amid Chinese Embassy’s remarks against Philippine officials

Ayon kay Department of State spokesperson Ned Price, tinalakay nina Manalo at Blinken ang ilang mga usapin para mapatatag pa ang alyansa ng Amerika at ng Pilipinas.

Kabilang na rito ang pagpapalakas ng kapayapaan sa Indo-Pacific region at iba pang bahagi ng mundo.

Read More:  VP Sara Duterte prays for Philippine peace and father Rodrigo Duterte’s safe return

Sa hiwalay na tweet naman, sinabi ni Manalo na naging produktibo ang pag-uusap nila ni Blinken.

Matatandaaang bumisita na noon ang US Secretary of State sa bansa ngunit hindi sila personal na nakapagkita ni Manalo dahil positibo ito noon sa COVID-19.
#