Wi-nelcome ng ilang mga grupo ng jeepney operators at drivers ang naging desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na aprubahan ang mga petisyon na layong magtaas ng pasahe sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay ka-Obet Martin ng Pasang Masda, pinasasalamatan nila ang LTFRB para sa taas-pasahe na ito.
Makatutulong umano ito sa gitna ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Pinaalalahanan naman nito ang kanilang mga miyembro na hindi pa maaaring ipatupad ang fare-hike dahil hihintayin pa rin ang opisyal na fare matrix.
Nakululangan naman si LTOP President Lando Marquez sa aprubadong taas-pasahe.
Para kay Marquez, sa taas ng oil prices, dapat ay P15 ang minimum sa pamasahe sa mga dyip.
Kahapon, kinumpirma ng LTFRB ang bagong fare hike kung saan, P12 na ang minimum fare sa mga traditional na dyip, P14 sa modern jeepneys; P13 sa mga ordinary city bus; at P15 sa mga air-conditioned city bus.
P45 naman ang minimum fate sa mga taxi at sedan-type TNVS; habang P55 ang minimum sa mga AUV/SUV-type TNVS.
#
