Winakasan na ng House Committee on Appropriations ang mga budget deliberations para sa mga tanggapan, Kagawaran, at mga ahensya ng Gobyerno.
Sumalang sa pagdinig ang 34 na mga Government agancies.
Ang Department of Public Works and Highways naman ang huling Kagawaran na humarap sa Kumite.
Sa Lunes, September 19, ay inasahang isusumite na ng liderato ng Kamara ang P5.268Trillion na 2023 General Appropriations Bill o GAB.
Matapos ang mga budget deliberations, mag-uumpisa naman ang debate sa plenaryo kung saan hindi na lamang mga miyembro ng Appropriations Committee ang bubusisi sa budget, kundi kasama na rin ang 311 mga miyembro ng Kamara.
Sa oras naman na ma-aprubahan na ng Kamara ang mga budget, tska na ito pagbabanggain sa Senado para sa Bicameral Conference.
Kailangang matapos ang plenary debates bago ang unang adjournment ng session mula October 1 hanggang November 6.
Una nang tiniyak nina Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co, chairperson ng Panel; pati na ang Vice chairperson na si Rep. Stella Quimbo na on-track ang budget deliberations sa Kamara.
Target na ma-aprubahan sa huli at ikatlong pagbasa ang 2023 GAB bago mag-adjourn ang sesyon.
#
