Sentence laban sa ousted Myanmar leader, binawasan ng junta chief

Binawasan ng junta chief ng Myanmar ang kulong na sentensya laban sa ousted leader ng bansa na si Aung San Suu Kyi.

Inisyal na napatawan ng apat na taong kulong si Suu Kyi para sa incitement against the military at paglabag sa COVID-19 rules.

Read More:  9 dead after business jet crashes into residential area in Florida

Sinabi ni Junta Chief Min Aung Hlaing na mapa-“pardon” ang sentensya sa loob ng dalawang taon para na sa dalawang kaso

Dagdag niya, mananatiling naka-house arrest ang dating lider sa capital na Naypyidaw.

Noong February 1 pa nakakulong ang 76-anyos na si Suu Kyi, mula nang maglunsad ang mga heneral ng kudeta para agawin ang kapangyarihan mula sa gobyerno.

Read More:  Rescuers continue search for more victims after deadly high-speed train collision in Spain

Mula noon ay nahainan ng serye ng mga kaso ang napatalsik na lider ng Myanmar kabilang na ang paglabag sa official secrets act, illegal importation of walkie talkies, at electoral fraud.