Ika-8 sunod na talo, naranasan ng Shiga Lakestars ni Kiefer

Naranasan ng Shiga Lakestars ang ika-walo nitong sunod na talo matapos ang kanilang laro laban sa Sunrockers Shibuya sa Japan B.League na nagtapos sa 95-82.

Ginanap ang laro sa home court ng Shibuya sa Sumida City Gymnasium.

Read More:  Carl James Martin eyes world championship after defeating David Picasso

Naging malakas ang simula ng Lakestars sa unang bahagi ng laro salamat sa six out of seven three-pointers na naipasok ni Tomomasa Ozawa.

Tumabla ang laro sa 56-all sa third quarter, matapos umiskor ni Ozawa mula sa assist ng Pinoy na si Kiefer Ravena.

Read More:  PLDT dominates ZUS Coffee for back-to-back PVL wins

Gayunman, ay nakuha pa rin ng Shibuya ang buong kontrol sa laro dahil sa 17-4 play ng dating NBA player na si James McAdoo.

Tumaas ang record ng Sunrockers sa 12-4 habang bumagsak naman ang Shiga sa 6-10.