Senatorial line-up ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, spekulasyon lang – House leader

Puro espekulasyon at hindi pa umano opisyal ang kumakalat na listahan ng senatorial line-up ng binuong “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas” coalition sa mainstream at social media.

Ayon kay House Majority Leader Mannix Dalipe na siyang Executive Vice President ng Lakas-CMD at bahagi ng alyansa, nakarating sa kanila ang lumabas na listahan na susuportahan umano ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Read More:  VP Sara: government should prioritize needs of ordinary Filipinos amid political noise

Mismong si Partido Federal ng Pilipinas National President at Governor Reynaldo Tamayo Jr. aniya ang nagsabing hindi pa pinal ang senatorial line-up ng alyansa.

Paliwanag ni Dalipe, nag-ugat ang umano’y listahan mula sa pulong ng political parties na sumusuporta sa administrasyon kung saan pinasusumite ang nominees sa September 15.

Ngunit mahalaga umanong bigyang-diin na anumang kumakalat na listahan ay dapat ituring na spekulasyon.

Read More:  Inflation, wage hikes remain top concerns among Filipinos – survey

Idinagdag pa ng House leader na matapos ang deadline ng submission ay dadaan sa evaluation ng party leaders ang nominations at magkakaroon ng deliberasyon ukol sa opisyal na senatorial line-up.

Ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ay binubuo ng Lakas-CMD, PFP, Nationalist People’s Coalition, Nacionalista Party at National Unity Party.