DA, tiniyak na ligtas sa ASF ang mga karneng baboy sa mga pamilihan

Siniguro ng Department of Agriculture sa publiko na ligtas sa banta ng African Swine Fever ang mga karneng mabibili sa mga pamilihan.

Ito ay kasunod ng ginawang inspection sa mga checkpoint ng mga baboy na positibo sa ASF.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Ayon kay Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, ginagawa nila ang lahat para masigurong ASF-Free ang mga karneng baboy sa merkado.

Bukod sa checkpoint kumikilos na rin ang iba pang ahensya para masigurong hindi makakalusot ang mga baboy na may sakit.

Read More:  Banga shooter planned attack since August, told friends to go home

Pinayuhan din ni de Mesa ang mga mamimili na suriin kung may tatak ng National Meat Inspection Service ang bibilhing karne upang makasigurong ligtas ang mga ito para kainin.