Higit 130 na mga application para sa accreditation ng mga party-lists at political parties na ang naibasura ng Commission on Elections (COMELEC) para sa 2025 national and local elections (NLE).
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, tinitingnan ng ahensya ang pagkumpleto sa final list ng nga party-lists bago matapos ang buwan ng Agosto.
Kasunod naman nito ang pagsasagawa ng raffle ng bilang para sa mga eligible na mga grupo sa ikalawang linggo ng Setyembre.
Dagdag pa ni Garcia, ire-require nila sa mga eligible groups na magsumite ng 10 nominees, at hindi na pahihintulutan pa ang submission ng karagdagang listahan ng mga pangalan.
Ang listahan ng mga eligible party-lists at political parties ay ipo-post sa website ng ahensya.