Umaasa si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na mas mapapabilis o hindi mauuwi sa ‘déjà vu’o kaparehong sitwasyon ang ginagawang pag-aresto kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa patuloy na pagtugis kay Apollo Quiboloy.
Kasunod ito sa naging bigong pag-aresto ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) kay Guo sa kamakailang pagbisita nila sa residential at garment factories nito sa Bulacan, Valenzuela at Balintawak.
Anya, bagamat hindi pa nahuhuli si Quiboloy ay maituturing na positive development ang pagkahuli sa isa sa kanyang tauhan na si Paulene Canada na di umano’y kasabwat nito sa pananamantala sa mga pastoral ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Samantala, muli naman itong nanawagan kay Quiboloy at sa iba pang kasabwat nito na sumuko na lang at harapin ang kanilang pananagutan sa ilalim ng batas.