Senate Committee on Public Services- pinaiimbestigahan ang kamakailang viral incident sa NAIA 3

Binigyang-diin ni Senate Committee on Public Services, Chairperson, Senador Raffy Tulfo na kapansin-pansin sa kamakailang viral video sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 ang pagkagulat at kawalang ideya ng tauhan ng airport security kung paano pamamahalaan ang sitwasyon.

Makikita kase sa nasabing viral video ang biglaang pag-aalis ng damit at di kalaunan ay paglalakad ng hubo’t hubad ng isang babaeng Vietnamese sa departure area nv NAIA 3.

Kaugnay nito, nais umanong paimbestigahan ni Tulfo ang hinggil dito lalong lalo na ang paghawak sa security protocol sa mga airport facilities.

Anya, marapat lang itong gawin dahil panahon na upang magkaroon ng maayos na sistema at security protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *