Isang travel agency na sangkot sa illegal recruitment, ipinasara ng DMW

Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang travel agency sa Malolos City, Bulacan na nagpositibong nag-aalok ng trabaho sa iba’t ibang bansa sa Europe tulad ng Croatia nang walang kaukulang lisensya para magrecruit ng mga manggagawa para magtrabaho sa abroad.

Ayon sa DMW, ang High Dreamer Travel and Tours ay ilegal umanong nag-aalok ng trabaho bilang Production Line, Agriculture Work, Welder at iba pa na may buwanang sweldo na Php 70,000- Php 80,000 na may karagdagang bonus, night shift differential, libreng tirahan, pagkain at transportasyon sa isang taon na kontrata.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Modus ng travel agency na alukin ang mga aplikante ng trabaho sa Europe at singilin ng Php 100,000 para sa processing fee at Php 300,000 para sa placement fee na maaaring one-time payment o installment basis.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Kaakibat naman ng pagpapasara ng naturang establisyimyento ang pagkansela ng business permit nito sa Malolos City at pagpapawalang-bisa ng registration nito sa DTI.

Mahaharap ang may-ari at mga opisyal na sangkot sa kasong illegal recruitment committed by a syndicate na may parusang life imprisonment at multang Php 2M hanggang Php 5M.