Pilipinas, aangat ang global ranking sa gender gap kapag naisabatas ang Absolute Divorce – kongresista

Naniniwala si Albay Representative Edcel Lagman na bubuti ang ranking ng Pilipinas sa Global Gender Gap Report sa sandaling maisabatas ang Absolute Divorce.

Ayon kay Lagman, makakamit ang pagkakapantay-pantay sa kasarian sa pamamagitan ng “pro-woman measure” dahil mabibigyan ng pagkakataon ang mga inabusong kababaihan na mabawi ang kalayaan, kaligayahan at respeto sa sarili.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Bukod dito, may karapatan aniya sila sa kustodiya ng mga anak, magbibigay ng sustento ang “offending party” at maaaring magpakasal muli ang biktima.

Pero nilinaw ng kongresista na hindi nangangahulugang prayoridad ng mga naagrabyadong maybahay ang muling pagpapakasal dahil ang nais lamang nila ay makawala sa mapang-abusong pagsasama.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Ipinunto pa ni Lagman na nang ilabas ang Global Gender Gap Report noong taong 2006 ay pang-anim ang Pilipinas ngunit sa latest report ay bumagsak ito sa ika-dalawampu’t lima mula sa 146 countries.