Senate Committee on Economic Affairs – itinutulak ang pagkakaroon ng ‘Cabinet Tourism Cluster’ upang mapalago ang GDP ng bansa

Itinutulak ni Senate Committee on Economic Affairs, Chairperson, Senador Migz Zubiri ang pagbuo ng ‘Cabinet Tourism Cluster’ upang maresolba ang iba’t ibang problemang kinahaharap ng tourism industry.

Kabilang na rito ang pagsasaayos at pagprotekta sa mga ‘crown jewels’ ng bansa tulad ng Siargao, Palawan at iba pang tourist destinations.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Nag-ugat ang mungkahi niyang ito matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang proposal ni Education Secretary Sonny Angara na pagbuo ng education cluster.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Kamakailan, sinabi ni Socioeconomic Planning Sec. Arsenio Balisacan na galing sa tourism industry contribution ang 8.6% ng Gross Domestic Product (GDP) sa bansa.

Ayon kay Zubiri, sa pamamagitan ng pagbuo ng nasabing tourism cluster ay maaring tumaas pa sa 20% ang GDP na ito.
#