Kondisyon ng mga baboy, titiyakin muna ng DA bago bakunahan ng ASF vaccines

Titiyakin muna ng Department of Agriculture (DA) na nasa maayos na kondisyon ang mga baboy bago ang mga ito bakunahan ng ASF vaccine.

Sa isang pahayag, sinabi ni DA Asec. Dante Palabrica na sisiguruhin nilang malakas at walang sakit ang mga baboy bago bakunahan.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Magiging scientific din umano sila dahil hindi naman pupwedeng magturok lang nang magturok sa mga baboy.

Mababatid na una nang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na target nilang i-roll out ang mga bakuna kontra ASF sa Martes ng susunod na linggo.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Sa kasalukuyan, pinagtitibay ng ahensya ang mga laboraties at research sa bansa para sa posibilidad ng locally manufactured na mga bakuna.
#