Pinaniniwalaang look-out sa pawnshop robbery sa Cebu, nakuhanan ng armas at shabu

Nakuhanan ng shabu at armas ang 42-anyos na lalaking pinaniniwalaang look-out sa nangyaring robbery incident sa dalawang pawnshop sa Cebu City.

Nangyari ito pasado ala una ng madaling araw ng Biyernes, Agosto 16, 2024 sa Upper Torralba, Barangay Apas, Cebu City.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Nakuha mula sa kanyang posisyon ang 38 revolver na may 4 na buhay na bala at ang 50 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000.

Mariin namang itinanggi ng arestado ang pagkakasangkot sa robbery incident noong Agosto 08, 2024 sa Barangay Ermita.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Matatandaang P14M ang halaga ng mga alahas na natangay ng mga kawatan, arestado na rin ang pinaniniwalaang driver ng isa sa mga getaway vehicle.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.