Senadora, pinag-iingat ang publiko sa love scam matapos matangayan ng mahigit kumulang P1-M ang isang Amerikano

Pinaalalahanan ni Senadora Risa Hontiveros ang publiko na mag-iingat sa sinumang nakakausap online dahil baka posibleng scammer na ito.

Alinsunod ito sa nakakalungkot na naranasan ng Amerikanong si Michael na niloko at ninakawan ng di umano’y 28,000 dollars o aabot sa mahigit isang milyong piso.

Kwento ni Michael, nangyari ang lahat ng ito ng makilala niya online ang babaeng si ‘Milia’ kung saan nagkaroon sila ng relasyon at di kalaunan ay hiningi sa kanya nito na mag-invest siya sa cryptocurrency.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ginawa naman niya umano ito at pauna siyang nag-invest ng 990 dollars hanggang dumating sa punto na biglaan na lang ito nawala at hindi na magparamdam matapos niya makapag-invest ng mahigit isang milyong piso.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Kaugnay nito, paulit-ulit na hinikayat ng senadora ang publiko na mag-iingat sa mga scammers na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub.

Maalala, isa sa mga nakita sa ni-raid na POGO hub sa Bamban, Tarlac ang pagkaraming bilang ng cellphones, sim cards at scripts na di umano’y ginagamit sa pangla-love at cryptocurrency scam.