BNFM Bicol- IBINAHAGI ng Philippine National Police o PNP Bicol ang datos ukol sa mga naitalang krimen sa rehiyon sa nakaraang anim na buwan kung saan ayon sa kanila, bumaba ang dating naitalang 1,360 na krimen sa 889 krimen o 34.63% na pagbaba sa kabuoang numero ng mga naitalang krimen sa kalahatian ng taong 2024.
Iniugnay ang naturang pagbaba ng crime rate sa rehiyon sa pagpapaigtaing ng kanilang pagpapatrol tuwing peak hours. Nakatulong umano ang inisyatibang ito na masiguro ang kaligtasan ng publiko na nagbigay daan din sa mas mabilis nilang pagresponde sa mga insidente.
Iniutos naman ng PNP Regional Director na si PBGEN Andre P Dizon ang mas aktibo pang pagpapatrolya ng pulisya sa iba’t ibang lalawigan at munisipalidad para sa tuluyang pagbaba ng krimen sa rehiyon at para rin mapanatag ang loob ng mga mamamayan. #### Nico Merciales, Intern
Photo courtesy of PRO5