Senador, nanawagan sa OSG na kumuha na ng mga official documents ni Guo upang magamit sa paghahain ng quo warranto case

Kumpiyansa si Senador Win Gatchalian na iisa lang si suspended Mayor Alice Guo at ang nakita niyang dokumento ng Chinese national na si Guo Hua Ping.

Alinsunod nito, nanawagan siya sa Office of the Solicitor General (OSG) o pinakamataas na abogado ng estado na kumuha na ng mga opisyal na dokumento sa Board of Investments at Bureau of Immigration upang magamit sa paghahain ng quo warranto case laban kay Guo.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Ang quo warranto case ay tumutukoy sa uri ng kaso na ginagamit upang hamunin o patunayan kung ang isang tao ay lehitimong may karapatang humawak ng isang pampublikong posisyon.

Ayon kase sa senador, malinaw namang makikitang may naging paglabag sa birth certificate system sa pagsuri pa lang sa ilang beses na late registration na isinagawa ng tatay ni Guo.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Kaugnay nito pinamamadali na ng senador ang OSG sa pagasasagawa nito lalo na’t nalalapit na ang filing of candidacy para sa bagong halalan.

Samantala, una ng sinabi ng senador na marapat lang ipa-deport ang nasabing alkalde dahil wala na itong hawak na visa para manatili pa sa bansa.