Senadora, nanawagan sa LTFRB na maglabas ng simpleng alintuntunin sa pagbabalik ng mga unconsolidated jeepneys sa ilang ruta

Winelcome ni dating Senate Committee on Public Services, Chairperson, Senadora Grace Poe ang inilabas na direktiba ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa pagpapahintulot sa mga unconsolidated jeepneys at UV express units na muling bumalik sa ilang ruta.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ayon kay Poe, naniniwala iyang isang win-win situation ang naging desisyon ng LTFRB dahil sa pamamagitan nito ay magiging sapat ang mga sasakyan para sa mga commuter habang mabibigyan naman muli ng trabaho ang mga drayber at operators.

Alinsunod nito, nanawagan siya sa LTFRB na magpatupad ng mga simpleng alituntunin upang mapadali ang muling pagbalik ng mga drayber sa kalsada.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Samantala, tiniyak naman niyang patuloy pa rin nilang itutulak ang pagkakaroon ng stable at makataong pagpapatupad ng public utility vehicle (PUV) modernization.