MIAA – humingi ng dagdag na pasensya sa mga pasaherong apektado ng matinding init dahil sa pag-shutdown ng kanilang cooling system

Tuluy-tuloy sa pagdaragdag ng mga air coolers ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sa gitna ito ng pansamantalang pagsasara ng air conditioning system sa naturang paliparan.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Dahil dito – umapela si MIAA general manager Eric Jose Castro Ines sa mga pasahero para sa kanilang pang-unawa sa abalang dulot ng pansamantalang shutdown ng aircon system.

Aniya, mayroon naman daw silang pinakalat na mga eletric fan at blower sa iba’t ibang bahagi ng paliparan upang makatulong na maibsan ang discomfort ng mga pasahero.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Naging operational din ang ilang standalone aircon units.

Maalalang ang pag-shutdown sa cooling system ay para mabigyang-daan sa pagpapalit ng mga lumang cooling towers. (BRIGADA INTERN JAZTINE CRUZ)