Senador, pinamamadali na sa DMW-OWWA ang pag-uwi sa labi ng tatlong OFW sa Dubai

Taus-pusong nakiramay si Senador Lito Lapid sa nakakalungkot na sinapit ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFW) sa Dubai.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagkamatay ng mga ito dahil sa naging malawakang pagbaha sa United Arab Emirates (UAE).

Ayon kay Lapid, pinapakita lang ng nasabing pangyayari na mas lumalaki ang hamon ng pagbabago sa klima ng ating daigdig kung kaya’t hindi dapat ipasawalang bahala ng gobyerno ang pagprotekta sa mga OFW.

Kaugnay nito, hiniling niya sa DMW-Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na agad nang asikasuhin ang labi ng mga ito upang mauwi sa Pilipinas.

Dagdag pa niya, dapat ding maipaabot na sa mga pamilya nito ang mga benepisyong kanilang kinakailangan.

Maalala, ayon sa awtoridad, na-suffocate ang dalawang Pilipino mula sa kanilang sasakyan noong kasagsagan ng pagbaha habang vehicular accident naman ang kinasawi ng isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *