New Zealand Prime Minister Christopher Luxon, naka alis na ng bansa

Nakaalis na ng bansa si New Zealand Prime Minister Christopher Luxon kaninang umaga, matapos ang ilang araw na official visit nito sa Pilipinas.

Ang naging official visit ni Luxon sa bansa ay ang unang pagbisita ng isang Prime Minister ng New Zealand sa Pilipinas sa nakalipas na 14 na taon.

Nabatid na natalakay sa naging bilateral meeting nina Luxon at Pangulong Bongbong Marcos ang ilang usapin tulad ng trade, investment, defense, environmental protection, maritime security at people-to-people ties.

Nagkasundo rin ang dalawang lider na iangat sa Comprehensive Partnership 2026 ang bilateral relations ng Pilipinas at New Zealand.

Nagkaroon din ng serye ng mga business engagement sa bansa ang Prime Minister.

Dahil nakikita ng Punong Ministro ang bansa bilang umuusbong na merkado para sa kanilang mga export.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *