Muling nakapagtala ang PHIVOLCS ng mga phreatic eruptions sa Bulkang Mayon.
Ayon sa PHIVOLCS – na-monitor nila ang mga ‘phreatic or steam-driven eruption events’ mula 08:50am hanggang 09:12 am.
Nagtagal umano ang ito ng hanggang dalawang minuto, at nakapag-produce ng steam plumes ng aabot ng hanggang 350 meters ang taas.
Nakapagtala rin ng ikatlong phreatic eruption ang PHIVOLCS.
Na-obserbahan ito kaninang 11:02AM at umabot ng 300 metro ang taas.
Nagtagal naman ito ng tinatayang aabot ng limang minuto.
Sa ngayon – tuloy-tuloy ang monitoring ng PHIVOLCS at OCD-Batangas sa sitwasyon ng Mayon.