Nanindigan si Sen. Bato de la Rosa na hindi siya kayang ipakulong ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa isyu war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa senador hindi siya makukulong habang nasa loob siya ng bansa dahil walang kakayahan ang ICC na galawin ang jurisdiction ng Pilipinas.
Dagdag pa nito, lilimitahan niya ang pagbabakasyon sa ibang bansa dahil baka bigla siyang dakpin gayong walang kapit ang Pilipinas sa ICC.
Maalalang hinihiling ang gobyerno na ihinto ang imbestigasyon hinggil sa kontrobersyal na war on drugs campaign ni ex-President Duterte.
