Rain or Shine, lalaban sa 2023 Jones Cup matapos ang tatlong taon hiatus

Ang Elaso painters ng Rain or Shine Time ang magiging representative ng Pilpinas sa papalapit  na 2023 William Jones Cup sa August 12-20.

Ito ang magiging kauna-unahang internasyonal na kompetisyon matapos silang lumban sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Dagdag pa nito, magiging monumental ang kanilang magiging laro dahil isa sila sa lalahok sa Jones Cup matapos ang tatlong-taong hiatus dahil sa pandemya.

Pangungunahan ng team ang mga rising stars na sina Gian Mamuyac, Santi Santillan, Anton Asistio, Andrei Caracut, at Shaun Ildefonso, kasama si top veteran Rey Nambatac.