Senador – nanawagan sa mga ahensya ng gobyerno na alamin ang iba pang legal avenues vs China kasunod ng panibagong harassment sa WPS

‘Paulit-ulit… sobra na’

ganyan kung ilarawan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang ginagawang harassment at pambu-bully ng China laban sa mga Pilipino na nagsasagawa lang ng resupply mission sa West Philippine Sea (WPS).

Kasunod ito sa panibagong pambubuntot, pambabangga at pambobomba ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) at maging ng mga militia vessels ng mga ito sa barko ng BRP Datu Sanday.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Ani Estrada, tiyak niyang nanadya na ang mga ito upang gumamit ang bansa ng dahas bagat malinaw naman umanong walang naging paglabag sa international laws.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Bilang tugon, nanawagan na siya sa mga ahensya ng gobyerno na alamin pa ang posibleng gawing legal avenues laban sa China upang mapanagot sila.

Anya, sa pamamagitan nito ay mapapanatili ang batas at mapapatibay ang isang pandaigdigang kaayusan na nakabatay sa mga patakaran.