Aksyon ng pamahalaan hinggil sa pinakahuling harassment ng China sa WPS, ipauubaya sa NMC

Ipauubaya na sa National Maritime Council ang paggawa ng aksyon hinggil sa pinakahuling harassment ng China Coast Guard sa barko ng BFAR sa West Philippine Sea.

Sa ambush interview kay Department of National Defense Secretary Gibo Teodoro, sinabi nitong mayron din silang hakbang sa DND na hindi nila pwedeng isapubliko, subalit ang paggawa ng hakbang na higit sa paghahain ng diplomatic protest ay ang NMC ang magdedesisyon.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Ayon pa kay Teodoro, ‘expected’ na nila ang naging aksyon ng China dahil wala na anyang pakialam ang China kahit ilang beses nang sinasabi ng Pilipinas na illegal ang kanilang aksyon.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Kaya isa rin daw ito sa kanilang pinaghahandaan.

Sa kabila nito, nanindigan ang Kalihim na naka-focus sila sa pag-iwas na mauwi sa armed attack ang girian sa WPS.