Senador, nanawagan sa iba pang stakeholders na magtulungan sa pagsuporta sa rekomendasyon ni Finance Sec. Recto na POGO ban

Suportado ni Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian ang rekomendasyon ni Finance Secretary Ralph Recto kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagbawal na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Anya, mula sapul ay ito na ang kanyang itinutulak na adbokasiya dahil halos naman ng POGO sa bansa ay nauugnay sa ilang krimen tulad na lang ng human trafficking, serious illegal detention, money laundering, online scamming at marami pang iba.

Kaugnay nito, nanawagan ang senador sa mga stakeholders na magtulungan sa pagsuporta sa itinutulak na rekomendaston ni Recto.

Ayon kay Gatchalian, sa pamamagitan ng pagtutulungang ito ay maaring makabuo ng mas ligtas at maunlad na bansa ang Pilipinas na malayo sa mga masamang epekto ng POGO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *