Senate Committee on Accounts – pinakikilos na ang DPWH na ayusin ang final costing para sa New Senate Building

Pinakikilos na ni Senate Committee on Accounts, Chairperson, Senador Alan Cayetano ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na i-finalize na ang disensyo at costing sa itinatayong New Senate Building sa Taguig City.

Ito ay matapos lumabas na maaring lumobo sa P25 hanggang P27 bilyon ang kabuuang halaga ng proyekto ng pagpapatayo ng gusali dahil sa inflation rate.

Anya, bilang ang mga ito naman ang nakatutok sa technical aspect ay tiwala siyang alam ng mga ito ang posibleng gawing upang matapos agad ang proyekto sa tamang presyo at pagkakagagawa.

Maalala, base sa unang dokumentong ipinresenta sa komite, makikitang nasa P21 bilyon lang ang halaga ng kabuuang estimated budgetary cost.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *