Mangingisda, nagtitinda ng illegal drugs- arestado

Arestado sa drug buy bust operation ang 53-anyos na si alyas Tisoy isang mangingisda sa Brgy. Punta Baja, Rizal, Palawan bandang alas-onse ng tanghali ng Miyerkules, ika-10 ng Hulyo.

Ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng Rizal PNP, Regional Police Drug Enforcement Unit at ng Pamahalaang Panlalawigan.

Nakuha mula sa suspek ang nasa siyam (9) na sachet na pinaghihinalaang shabu na may halagang aabot sa P15, 000.

Samantala, nasa kustodiya pa ng Rizal PNP ang naaresto na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *