Senador: Kalagayan ng mga POGO workers – kailangan matiyak ng gobyerno kung sakaling ipag-utos ang POGO ban sa bansa

Tiniyak ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. na susuportahan niya ang anumang magiging desisyon ng adminitrasyong Marcos hinggil sa kapalaran ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Kasunod ito ng mga naging panawagan ng ilang senador at maging rekomendasyon ng ilang economic managers na tuluyan na itong i-ban o ipagbawal.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Anya, tiwala naman siyang nasa pinakamagandang posisyon ang Pangulo upang timbangin ang pros at cons ng pagsa-shutdown nito.

Ngunit bago ito gawin, marapat lang umanong siguraduhin ng gobyerno ang magiging kalagayan at transition ng mahigit kumulang dalawampung libong Filipino workers sa mga POGO na posibleng mawalan ng trabaho.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Maalala, una ng sinabi ng mga senador na nasa Pangulo ang huling desisyon kung mapapatigil na ang operasyon ng POGO sa bansa na sangkot sa iba’t ibang krimen tulad ng human trafficking, scamming at torture.