Ex-PNP chief, Sen. Bato – ikinalungkot ang ginawang pag-veto ng Pangulo sa PNP Organizational Reforms Act

‘The irony is not lost on me, and it is precisely that irony that is so disheartening’

‘Yan ang naging pahayag ni dating Philippine National Police (PNP) Chief, Senador Ronald Bato Dela Rosa matapos ang ginawang pag-veto o pagtanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isabatas ang Senate Bill No. 2449 o House Bill No. 8327 o mas kilala sa ‘PNP Organizational Reforms Act’.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Anya, malungkot man sabihin pero tila nasayang ang pagod at hirap, hindi lamang ng Kongreso, kundi pati na rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG), National Police Commission (NAPOLCOM) at PNP sa pagbalangkas ng nasabing reporma.

Ngunit sa kabila nito, dalangin umano niya na hindi mawalan ng motibasyon ang mga ito sa pag-alalay sa Senado na bumuo pa ng batas na mas makapagpapabuti ng kalagayan ng mga kapulisan.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Samantala, umaasa naman din siya sa pagkakataon na magtagpo na ang pangarap ng Senado at Malakanyang para sa kapulisan.

Maalala, ibinalik na kahapon ng Palasyo sa Senado ang transmit para sa veto message ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa nasabing panukalang batas.