COMELEC bribery issue investigation – posibleng sa kamara isagawa

‘…simultaneous hearings on the same issues are sometimes tricky and complicated’

‘yan ang paalala ni Senate President Chiz Escudero hinggil sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa kamakailang alegasyon ni SAGIP Representative Rodante Marcoleta tungkol sa isang opisyales ng Commission on Elections (COMELEC) na di umano’y tumanggap ng panunuhol mula sa South Korean poll tech firm na Miru Systems.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Ang Miru systems ang siyang binigyan ng COMELEC ng kontrata para sa vote counting machines sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Escudero, bilang isang miyembro ng House of Representatives ang nagbitaw ng alegasyon laban sa COMELEC ay posibleng mula rin sa Kamara ang magsasagawa ng pag-imbestiga rito maliban na lang kung mayroong maghahain ng resolusyon mula sa kanilang kapulungan.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Anya, mahirap ding pasukan ito lalo na’t maituturing na impeachable official ang COMELEC.

Matatandaan, pinabulaanan ni COMELEC chairman George Garcia ang tungkol dito at sinabi niyang ‘malicious’ at parte lang ito ng ‘demolition job’ laban sa kanya.