Naghain si Senator Jinggoy Estrada ng panukala na nagsusulong para i-require ang pagkaroon ng mga state universities and colleges (SUCs) ng mental health offices (MHOs) sa kanilang mga campus para matulungan ang mga estudyante, faculty, at non-teaching staff na nakakaranas ng mental health issues.
Sa ilalim ng Senate Bill 1508, nakasaad na ang lahat ng SUCs ay kailangang magset up ng campus hotlines na may dedicated at trained guidance counselors na magbibigay ng tulong sa mga estudyante at teaching at non-teaching staff.
Kailangan din umanong bigyan ng special attention ang mga tinukoy na may mental health problems o kondisyon, lalo na ang mga nasa at risk na magpakamatay. Mababatid na sa House of Representatives, aprubado na ang House Bill 6574 na naglalayung bumuo ng MHOs sa mga school divisions sa buong bansa.
