Mambabatas, ipinaliwanag kung bakit laging hindi natutuloy ang pagtalakay sa Cha-cha

Ipinaliwanag ni Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte kung bakit isinusulong ng House of Representatives ang Charter Change o Cha-cha ngayong unang bahagi ng 19th Congress.

Ayon sa pro-administration lawmaker, na ang pagtalakay sa Cha-cha measures ay hindi maiiwasan na maging paksa ng mga pagdududa kung sisimulan nito ito matapos ang midterm elections.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ang midterm elections ay kumakatawan o simisimbolo sa kalahati mula sa buong termino ng pangulo.

Binigyang diin pa ni Villafuerte, na talagang kailangan na ng pagbabago sa Konstitusyon dahil panahon pa umano ito ni late President Fidel V. Ramos, dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo Arroyo at ni dating President Rodrigo Duterte, na gustong gawin , pero hindi natutuloy dahil sa timing.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Giit nito, na kapag lumampas na kasi ng midterm, sususpetyahan umano na ito na extension sa termino ng elective officials.