Mga senador, nais bigyan ng mas maraming benepisyo ang mga dating pangulo

Naghain ang apat na mga sendor ng panukala na naglalayung bigyan ng mass maraming benepisyo ang mga dating naging pangulo ng Pilipinas, dahil inaasahan na magpe-perform sila ng kanilang “post-presidential duties.”

Sina Senador Bong Go, Mark Villar, Bato dela Rosa, at Francis Tolentino ay naghain ng Senate Bill 1784, o ang panukalang Former Presidents Benefits Act of 2023.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Sa explanatory notes, binigyang-diin dito, na sa kabila ng pagkakapos ng kanilang termino, inaasahang magpi-perform sila ng kanilang post-presidential duties gaya ng meeting sa mga foreign at local dignitaries, at dadalo sa maga public events at iba pang social engagements.

Ang naturang mga obligasyon umano ay nagre-require sa kanila na kumuha ng serbisyo ng personal staff at private offices.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sakaling maisabatas, ang mga dating punong ehekutibo ay entitled na pumili ng head ng kanilang security detail, habang ang kanilang immediate family ay bibigyan din ng security protection. Sa ngayon ang incumbent president ang nagtatalaga ng Presidential Security Group members na magbabantay sa kanila.