Senador Go, umapela sa mga personalidad na humarap sa imbestigasyon re: COVID-19 funds

Nanawagan si Senador Christopher “Bong” Go sa mga sangkot na indibidwal sa di umano’y korapsyon sa paggamit COVID-19 funds na humarap sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon sa senador, ang paglutang ng mga ito ay para ipaliwanag ang kanilang sarili sa publiko, lalung-lalo na kung wala naman silang tinatago at kinakatakot.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Nanawagan rin ang senador kay Michael Yang na siyang dating adviser ng Pangulong Rodrigo Duterte at siya ring tinuturong sangkot sa kontrobersyal na multi-billion Pharmally purchase ng gobyerno na humarap sa imbestigasyon kahit pa ito ay matagal nang kilala ng presidente.

Tiniyak naman ni Go sa publiko na hindi nila kukunsintihin ng Pangulo ang mga taong mahuhuli kahit sino at saan pa ito galing.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Samantala, nagbigay rin ng tugon ang senador sa mga nagaakusa sa administration ng “premeditated plunder” sa kabila ng kawalan ng mga ito ng ebidensya.

Aniya, hindi umano ito ang tamang oras para pag-usapan ito dahil transparent naman ang Executive branch ng gobyerno sa paggamit nito ng pondo para sa COVID-19.