Senador Go, umapela sa DOH na pag-aralan ang posibilidad ng pag-expand sa provisions ng SRA

Umapela si Senator and Chair of the Senate Committee on Health Christopher “Bong” Go sa Department of Health (DOH) na pag-aralan ang posibilidad ng pagpapalawig sa provisions ng Special Risk Allowance sa lahat ng health workers na nagsisilbi sa mga health facilities sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa isang panayam, ipinaalala ng senador sa DOH na tiyaking sapat ang suportang naibibigay sa mga health workers sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga hakbang para tugunan ang anumang sagabal para makuha nila ang kanilang SRA at iba pang benepisyo.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Paliwanag ni Go, nililimitahan ng Bayanihan 2 Act ang provision ng SRA sa health workers na may direct contact sa COVID-19 patients, pero dahil patuloy na tumataas ang kaso, halos lahat ng health workers ay exposed sa COVID-19 patients.

Mababatid na una nang sinabi ng DOH na una nilang iminungkahi sa Department of Budget and Management (DBM) ang P50.4 bilyon para sa 365,000 public at private health workers at sa kanilang SRA at iba pang benepisyo,

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Dahil dito, nangako si Go na titiyakin nyang sapat ang pondo ng DOH para sa susunod na fiscal year dahil sa epekto ng anumang delays sa pagbibigay ng SRA at mahalaga ito para ma-boost ang morale ng health workers na ang kontribusyon sa pandemic ay dapat makilala.

Mababatid na makailang ulit nang umapela si Go sa gobyerno na bigyan pa ng karagdagang assistance ang mga health workers na syang nasa frontlines sa paglaban kontra pandemic.