Senador Go, binigyang pugay ang mga atletang Pinoy na sumabak sa 2020 Tokyo Olympics

Ipinahayag ni Senador Bong Go ang kanyang papuri at suporta sa mga Pilipinong atleta na lumahok at nagpakitang gilas sa mga sporting events sa Tokyo Oympics.

Sa kanyang co-sponsorship speech kaugnay ng Senate resolution na nagbibigay pugay sa mga atletang Pinoy na nagdala ng bandera ng bansa sa 2020 Tokyo Olympics, sinabi ng senador na ito ay isa sa pinakapambihirang nangyari sa kasaysayan ng pampalakasan sa Pilipinas dahil nakapag-uwi ang mga atleta ng apat na medalya sa pinakamalaking sporting event sa mundo.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Binati ng senador si Eumir Marcial dahil sa pag-uwi ng bronze medal sa Men’s Middleweight Boxing Division; Carlo Paalam, dahil sa pagsungkit sa silver medal sa Men’s Flyweight Boxing Division; Nesthy Petecio, dahil nakuha nito ang silver medal sa Women’s Featherweight Division; at si Hidilyn Diaz na nag-uwi ng kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas  para sa weightlifting sa Women’s 55kg category.

Ayon sa senador, nangangahulugan lamang na sa kabila ng mga nararanasang hamon ng mga Pilipino ngayon dahil sa pandemya, patuloy na nagsisikap ang mga Pinoy para makabangon at magbigay karangalan sa ating lahi.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Maliban sa mga nabanggit na atleta, pinuri rin ni senador Go ang iba pang mga atletang lumahok sa Tokyo Olympics.

Naki-isa rin ang senador sa kanyang mga kasamahan sa Senado sa pagbibigay pugay at pagsaludo sa ating mga natatanging kababayan, lalong-lalo na ngayong nasa gitna tayo ng pandemya.