Inaalam pa ni Senador Risa Hontiveros kung kailan makababalik ng Pilipinas si dismissed mayor Alice Guo matapos itong ma-aresto sa Indonesia.
Sabi ni Hontiveros, umaasa silang bukas ay makadadalo na si Guo sa pagdinig ng Senado.
Aniya, maraming kailangang sagutin si Guo kaya naman posibleng i-reschedule ang pagdinig sakaling ‘di ito makabalik ng bansa kaagad.
Kung maaalala, makailang-beses nang inisnab ni Guo ang Senado.
Sa kabila niyan, nakaharap na ang kaniyang kapatid na si Sheila kung saan ay ibinahagi nito kung paaano sila nakatakas ng bansa.