Security plan sa pagdating ni Alice Guo sa bansa, inilatag ng NBI

Mahigpit na ipatutupad ng NBI ang Security Plan nito upang masigurong ligtas ang pagdating ni Alice Guo sa Pilipinas kahit na wala pang pinal na araw kung kailan ito maibabalik sa bansa.

Sa pulong balitaan, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na hindi na isasapubliko ang mga security measures na kanilang ipatutupad para mabigyan ng proteksyon si Guo.

Sabi ni Santiago, tinangka pa ni Guo na itago ang kaniyang pagkakakilanlan para hindi mahuli ng mga otoridad dahil kapansin pansin na maikli na ang buhok ng dating alkalde.

Mula NAIA ay idadaan muna si Guo sa Bureau of Immigration para iproseso ang lahat ng kaniyang dokumento bago dalhin sa NBI.

Tiniyak naman ni Santiago na dadaan sa tamang proseso ang lahat bago dalhin si Guo sa Senado.