NAGA CITY- Nalalapit na ang taonang selebrasyon at pinaghahandaang Peñafrancia Festival 2024 sa Naga City at sa buong Bicol, kaugnay nito tuloy-tuloy ang paghahanda ng LGU Naga.
Ayon kay City Administarator, Elmer Baldemoro magkakaroon ng mga inobasyon o malalaking pagbabago sa mga aktibidad kung saan highlight lalo na sa simbahan at inaasahan ang maraming dagsa ng mga deboto ni Our Lady of Nuestra Señora de Peñafrancia at ni El Divino Rostro.
Samantala, bilang parte ng paghahanda isinagawa ang simulation activity sa lungsod sa pangunguna ng Naga City Police Office maging ang Mulit-Agency Coordination Group magkakaroon na din ng pag-uusap sa pangunguna ng lokal na pamahalaan.