Sen. Risa sa China – ‘stop flexing your muscles!’

Binatikos ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang isinagawang military drills ng China sa palibot ng Taiwan.

Ito ay matapos ang inagurasuin ng bagong pangulo ng Taiwan na si Lai-Ching-te.

Ani Hontiveros, dapat nang itigil ng China ang pagpapakita nito ng lakas sa Taiwan at maging sa parte ng South China Sea.

Ayon sa senadora, hindi sagot ang ginagawang pagmimilitarize ng China dahil mas napapalala pa nito ang tensyon.

Dagdag pa niya, tulad ng ibang malaya at demokratikong bansa ay may karapatan ding mamili ng pinuno ang Taiwan.

Alinsunod nito, tiniyak niya sa bagong pangulo ng Taiwan na kaalyansa nito ang Pilipinas.

Maalala, ayon sa satellite image na inilabas ng security expert na si Ray Powell, nagsagawa ng mabilisang intrusive patrol ang dalawang barko ng China sa kanlurang bahagi ng exclusive economic zone sa Scarborough shoal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *