Sen. Risa Hontiveros – umaasang dadalo sina Cassandra Li Ong at Sheila Guo sa susunod na pagdinig ng Senado sa Martes

Itinuturing na isang ‘promising development’ ni Senadora Risa Hontiveros ang naging paghuli ng awtoridad ng Indonesia kina Cassandra Li Ong at maging sa kapatid ni Alice Guo na si Sheila Guo.

Ayon kay Hontiveros, sa pamamagitan ni Li Ong ay inaasahan nilang mabibigyang-linaw at matutukoy ang dapat mapanagot sa likod ng illegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Kasunod nito, inaasahan niya ang pagdalo ng dalawa sa darating na pagpapatuloy ng kanilang pagdinig sa Martes at tiniyak niyang mananagot ang mga ito sa pag-iwas nila sa Senado.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Samantala, ipinunto naman ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na marapat lang na sumuko si Sheila sa kanilang institusyon upang makatulong ito sa pagtunton sa kanyang kapatid na si Guo.

Tumanggi namang magsalita ang senador hinggil sa kanyang opinyon kung maituturing na kahihiyan ang naging paghuli ng Indonesia sa dalawang babae.